Tuesday, January 3, 2012
Nakatira ka ba sa Maling Planeta???
Yan ang madalas kung tinatanong sa sarili ko for so many years. Pero last January 1, 2012 while reading about Gil Grissom a fictional character sa paborito kung show CSI may nalaman ako tungkol sa sarili ko. It explained many things sa buhay ko ngayon. It also explained kung bakit ako sobrang fixated sa character niya. I relate to him so much na feeling ko malayo kaming magkamag-anak. Well hindi kami magkamag-anak pero may mga dahilan kung bakit gusto ko siya. Pareho kaming may Asperger's Syndrome. Sa totoo lang hindi ko siya talagang kayang ipaliwanag ng mabuti dahil kahit ako bago pa lang sa term na ito. Pero kung babasahin nyo uli ang ABOUT ME page ko yun ang mga apparent symptoms ng Aspergers also known as Wrong Planet Syndrome. Sa boring pero mas malalim na explanation please read this. Ngayon kung visual learner kayo at mas type nyo ang cartoon ito ang sa inyo . Hindi ko alam kung talagang Aspie ako (term ng mga may aspergers syndrome sa sarili nila) dahil hindi pa naman ako nadadiagnose ng doctor. so sa ngayon ang label ko eh clinically depressed but that was 10 years ago pa. Oo nga pala noong una iniisip na ang disorder na ito eh sa lalaki lang pero ngayon marami na ring babae na nadadiagnosed ng sakit na ito. Yung mga symptoms na mababasa nyo like obsession sa mga bagay mas kita yon sa mga boys. Yung mga girls medyo mainstream ang type kaya hindi halata. So sa mga babae na feeling nyo Aspie kayo it yung traits. Click nyo na lang ang table one. So sa mga personal na nakakakilala sa akin at alam ang weirdness ko sa totoong buhay katulad ng pakikipag-usap sa sarili, laging mukhang galit kahit hindi naman, mahirap makaintindi ng simple verbal instruction, kahit simpleng sayaw di matutunan, nagcocomment ng mga bagay na out of the ordinary and borderline rude, ayaw sa party reunion or any gatherings, hind nakatingin sa inyo pag nagsasalita at marami pang iba na hindi maipaliwanag ng karaniwang logic... sa planeta ko kasi normal lang yon. At kung feeling mo Aspie ka rin o kung ano pa man puwede kang magcomment sa baba o send me a PM para naman magkatsikahan tayo. Oo nga pala may mga online test kung gusto mong kunin ito mga link 1 -dito required ka magregister 2 kung nahahabaan ka sa una. Oo nga pala sira enter key ko kaya iisa lang paragraph ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment