Kahapon Linggo ay araw ng palaspas kung kailan ginugunita ang pagpasok ni Hesus sa Israel at ang napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa pamamagitan ng pagwagayway at paglagay ng palaspas sa kanyang dinadaanan ofcourse they are the same people na gusto rin syang ipapako sa krus after just a few days. Just goes to show how people are easily persuade and how public opinion could change dramatically in a matter of days.
Ngayon naman eh simula na ang pagbabasa ng pasyon infact yon ang gumising sa akin ngayong umaga. Wala naman akong ginagawang espesyal tuwing semana santa nasa bahay lang at nagmumuni-muni minsan kapag napilitan eh sumasama sa Visita Iglesias.
Kailangan ding magfasting kahit mga ilang araw ay iwasan kumain ng karne na i guess ikinatutuwa ng PETA at iba pang animal right activists. Of course by May dahil panahon ng piyesta eh people will gorge again sa menudo, lechon at kung anu-ano pang high in cholesterol food.
Ngayong semana santa napag-isip ko na for atleast this week eh may i give-up ako na lagi kung ginagawa. Medyo ngdyedyeta naman ako kaya hindi food. Pag-iisipan ko kung internet ang igigive-up ko for a few days or something else hindi pa ako sure. Meaning no manga, facebook, blogging at youtube for days starting perhaps Thursday. Hindi pa final to ha mahina ang katawang lupa ko eh lalo na at lagi kung inaabangan ang bagong scanlation ng naruto at One Piece. sasabihin ko na lang kay Sis na sya muna ang maglaro ng Cafe world ko.
No comments:
Post a Comment