Friday, January 14, 2011

A bloggers Favorite Blog

The first blog I read or at least the first one that leaves a mark on me  is an online journal from an improv site.  I clearly remember what that blog is all about: PORN

Its not about doing porn movies or best link to porn site. Its about a woman's account working in a porn video rental shop. It was recommended by a friend and once I started reading I couldn't stop.

Title of the blog is True Porn Clerk Stories by Ali Davis. Her account is funny and for a while it makes me wanna take on odd jobs. Her blog is so good that it got viral she also  got the attention of local radio stations.

When I googled it just a few hours ago I read that it was already taken down.. sorry no free reading.

UPDATE: True Porn Clerk Stories is no longer available on this site. We were proud to host this journal for the last seven years, but now it's available at Amazon.com on the Kindle and the paperback edition can be bought at createspace.com.

 Too bad.. oh well I hope I can find more interesting online journals and blogs to read in the coming years.

 


Monday, January 3, 2011

When things get emotional....

I write
Sometimes I listen to music or walk to lighten up my mood but at the end of the day writing makes me feel better.

Siguro dahil simula ng taon kay medyo nostalgic at maraming alaala ang nagbabalik. The weird things about memories malungkot man siya o masaya they still make you wanna cry. Siguro dapat ipagpasalamat ko pa rin ang flow of different emotions because it got me blogging kahit madaling araw na and tomorrow is going to be a productive day... i hope.

Last year is a defining year for me. 2010 is also the year I had to let go of someone. Its one thing na mahirap gawin para sa akin, sentimental kasi ako kahit di halata. They say If you lose someone or something may darating daw na mas okay. Naniniwala ako doon pero kahit ganoon ang hirap pa rin kasi hindi lang naman effort at time and binigay pati puso kaya its like losing a part of your heart and even though optimistic ka you knew things will never be the same. Hindi na kasing tamis ang mga ngiti, mornings will not be as bright and for a while i lost my muse. Minsan iniisip ko its better to have a broken than a hollow heart. Pain drives you but hollowness sucked you into despair you don't even want to fight. Its like asking yourself worth it pa ba ang mga bagay dito sa mundo.

I'm not driven by money nor fame. Madalas naiinggit ako sa mga taong pera lang ang motivation kasi madali lang paghugutan ng inspirasyon yon para gumawa. Shallowness have its benefits. Pero ngayon i feel rejuvenated dahil siguro 2011 na and i have learned to moved on and face all the coming years with positivity.  Alam ko things will always get better in the end.

    

Saturday, January 1, 2011

Happy New Year!!!!

I'm going to start my year by writing. Actually wala talaga akong maisip na maisulat pero dahil isa siguro sa mga bagay na pinakagusto kung gawin eh ang humarap sa monitor at magtype ng mga random thoughts I just felt that this is the perfect way to start the year.

Hindi kami nagpapaputok tuwing New Year. Torotot lang at konting ingay. Mahal ang paputok kaya nakikipanood na lang kami sa kapitbahay. Masaya pa rin naman ang pagsalubong namin sa Bagong Taon. I prefer celebrating New Year kasi this always reminds me that things no matter how bleak or bad can always turn better in the coming days. A new beginning for everyone. Hope always accompany new year and for some reason the festivity always makes me feel better. Nakakahawa rin ang optimism.

Hindi syempre mawawala ang mga paniniwala tuwing New Year. Mga simpleng pampaswerte na nakaugalian na nating mga Pinoy. Sabi nga ng matatanda "wala namang mawawala kung susundin natin". Bilog na prutas na simbolo ng pera at paputok pampataboy ng malas. I guess its more of a Chinese tradition we adopted tuwing new year.

In my case lagi akong may New Year resolution but this year I've decided to just forego with this personal tradition. Ang gusto ko lang talaga eh mas maging productive ang taon na ito para sa akin. I made a lot of decisions na maaari kung pagsisihan in the coming years but those decisions panininidigan ko yon hindi dahil sa nagkasubuan na but because baliw lang talaga siguro ako.

Looking forward talaga ako this year hindi lang para sa sarili ko and my family kundi para din sa mahal nating bansa. Bagong taon, bagong dekada, bagong presidente... na sana maging simula ng pagbangon ng Pilipinas mula sa kahirapan at kurapsyon.

Hindi nga siguro mabubura ang mga pagkakamali ng nakaraan pero lahat tayo laging may pagkakataon na mapaganda ang ating kinabukasan.

Again Happy New Year at sana makapagsulat pa ako ng maraming entry sa blog ko.  

Wednesday, November 24, 2010

Lotto Fever

Months ago pa yata ako last nagbet sa Lotto. Tumataya ako tuwing brokenhearted ako dahil siguro sa kasabihang kapag daw bigo sa pag-ibig eh suwerte sa sugal(hindi siya totoo). My dad is the one na talagang lotto addict lalo na ngayong more than half billion na yata ang Jackpot. Medyo nawalan ako ng gana tumaya nung doblehin nila ang presyo ng ticket at marealized ko na hindi talaga ako suwerte sa sugal at bunutan. Nang huli akong manalo sa isang raffle draw eh estudyante pa yata ako at kaya lang yata ako nanalo eh dahil napakaraming prizes kung baga halos 1 is to 1 sa mga umattend. At syempre dahil nga malas ako sa bunutan nakuha ko rin ang pinaka consolation price isang oversize t-shirt na kahit yata sa tatay ko eh maluwag and mind you x large ang mga shirt ko.


Balik sa napakalaking Lotto Prize, nakatira kami sa bundok kaya kailangan pang bumiyahe ng atleast 30 minutes para makataya sa lotto but ofcourse that wont prevent my dad from betting. Kasehodang gumastos siya sa gasolina at pumila ng mahigit isang oras sa mga outlet na yan. Iniisip ko tuloy ano naman kaya ang balak gawin ng mga taong yan sa kalahating bilyon?

May conspiracy theory ang aking sisterlet tungkol sa lotto ang sabi nya si Gloria lang daw talaga ang nananalo dyan sa lotto dahil nga hindi alam ng mga tao kung sino talaga ang winner sya raw lang talaga ang nakakakuha ng pera. Pwede nga sigurong mangyari yon. PERKS ng isang pagiging presidente??? May daya man o wala obvious namang maraming willing makipagsapalarang pumila at tumaya para sa pagkakataong maging multi millionaire. Hindi naman masama ang mangarap.

Bigla kong naalala nanalo nga pala ako ng Ipod sa raffle dati binabawi ko na ako ay malas and I think broken hearted yata ako ng time na yon.

Sunday, November 21, 2010

K-Drama and I

As a sentimental fool and a TV addict, I'm a big fan of Korean Drama. Mas nakakarelate kasi ako sa mga characters sa Kdrama compare sa mga Pinoy soap opera. Hindi naman kasi ako pinagpalit noong bata ako. Wala naman akong step mother o tiyahin o malayong kamag-anak na balak pumatay sa akin para makuha ang yaman ng pamilya o isang super yamang lalaki ang nagkakagusto sa akin pero matapobre ang nanay. At sa tingin ko naman wala ring lukaret na babae na may masamang balak sa akin dahil inggit na inggit sya sa guwapo, matalino, mayaman at super straight kung bf.

I like to see everyday life..... people making stupid and rushed decision kaya mas nagiging complicated ang life na kung tutuusin pwede naman talagang simple. But that's life I guess simple yet complicated.

Sa Korean series gusto ko light comedy na may konting drama, dalawa lang naman ang dahilan kung bakit ko nagugustuhan ang isang series yung lead character at ang storya mismo.
Ang pinakapaborito ko siguro na lead character eh si KIM SAM SOON magkaedad kami, parehong single at plus size mahilig din akong magluto pero di ako marunong magbake ng cake. Minsan naiisip ko tuloy may guwapo at mas batang guy ba na mabibingwit ako kung mag-aaral ako ng baking?..... anything is possible I guess.

Sa story naman I have always love Attic Cat masaya, simple, mababaw at hindi nakakastress ang story. Isang babaeng simple, hindi maganda, hindi rin katalinuhan pero maparaan sa buhay ang nakilala ang isang guwapo nga at matalino pero nuknukan ng tamad at puno ng kalokohan sa buhay na lalaki. Walang antagonist sa story. The characters was just affected by the consequence of the decisions they made. Walang surprises pero exciting pa rin.

Isa rin yata ang Kdrama sa naging inspirasyon ko para magpapayat. Gusto ko rin kasing mapasan sa likod at hindi mangyayari yon kung mas mabigat pa ako sa dalwang sako ng bigas..

Ang hindi ko lang talaga marerekomenda eh Kdrama marathon kapag brokenhearted ka dahil kahit comedy scene parang gusto kong maiyak. Pero ako naman ang tipong naiiyak kahit sa isang simpleng scene sa spiderman movie kung saan sinasabi ni Peter kay MJ na hindi sila puwedeng magsama pero hindi naman nya masabi ang dahilan... at feeling ko ako lang ang umiyak sa scene na yon.

Balik na uli ako sa K drama obsession ko..... Now playing..... Personal Taste starring my new love Lee Min Ho.

Wednesday, November 10, 2010

Love This Song




Tuloy Pa Rin lyrics

Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (hugis ng mundo mo)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Friday, October 15, 2010

nth thought

First thought: Tinatamad ako

Second thought: I really should start practicing my penmanship, it's almost incomprehensible and I'm not a doctor

Third thought: My picture looks too formal

Fourth thought: I really should reconnect with my old friends

Fifth thought: I misses my home town

Sixth Thought: I wonder if The Social Network is really that good.

Seventh thought: One of these days I'm going to write a horror love story where everyone dies at the end.

Eighth thought: I don't like religion but I sometimes believe in God.

Ninth thought: I need a new Hobby

Tenth Thought: Tinatamad talaga ako