Wednesday, June 3, 2015

Shots Fired

Kasabay ng pasukan, init ng panahon at mga remakes sa TV eh ang bangayan ng mga politicians sa ating bansa. At syempre ang pinag-uusapan ngayon eh ang Binay vs Poe. Si Binay open secret naman na tatakbo sa pagkapangulo. Namumutakti na nga ang mga political ads niya sa TV. Si Poe naman ay nililigawan pa ng kung sino-sino. And because she knew shes a prized candidate... is playing coy.

Nagsimula ang rift ng dalawa ng tinanggihan ni Poe ang panliligaw ni Binay para maging running mate nito. At para maging official ang kanyang pagtanggi ay pinirmahan niya yung senate report ng blue ribbon committee na nagrerecommend na kasuhan ng plunder si Binay.

And just like a jilted manliligaw bitter-bitteran si Binay. And the bangayan starts and shots were fired. Nagsurface ang citizenship at residency issue kay Poe. Na sinagot naman ng huli at nagpasaring naman na takot na takot yung kabilang kampo sa kanya.



Ang opinyon ko dito?? WRONG MOVE si BINAY. Una dahil lalaki siya. Well actually yun talaga ang mali niya. Hindi maganda sa isang lalaki ang makipag-argue sa TV at sa babae pa man din. Mukhang narealized naman niya ang kanyang pagkakamali kaya yung anak na niyang si Nancy ang kumakausap na ngayon sa mga reporter. Ang problema wrong move pa rin dahil si nancy unfortunately eh kulang sa public speaking skill. Si Poe is very articulate mabilis mag-isip at mabilis sumagot sa mga tanong. si Nancy well hindi masyado.  

 Is it just me or super intense ang mga kakandidato ngayong eleksyon. May isang taon pa si Pnoy pero atat na ang mga gustong pumalit sa kanya. Oh well iba talaga ang call ng power. Pakapalan na lang ng mukha ito.

Monday, June 1, 2015

Ang pagbabalik

Nung huli akong nagpaalam ang sabi ko sandali lang akong mawawala sa blogging world. Ayun yung sandali inabot ng dalawang taon. Well time is relative naman kasi. Puwedeng hindi  ka magpakita ng isang dekada pero kapag nagbalik ka eh parang kahapon ka lang nawala. Anyways i'm just announcing my return of the come back.

Nakakamiss din namang magbasa ng mga blogs. Nasa blogging world kasi ang mga taong pinakamalilikot ang isip.