Saturday, December 26, 2015

My Bebe Love Movie Review

Napanood ko na yung My Bebe Love #kiligpamore . Matagal ko ring pinag isipan kung mismong xmas day ako manonood or palalagpasin ko pa ang isang Linggo para makaiwas sa maraming tao. Pero naisip ko whats the point of a movie review kung second week ko pa siya ilalabas. So what i did was pumunta ako ng maaga sa sinehan and caught the first screening. Di rin ako sa sm nanood dahil alam kung doon dadagsa ang tao. And with the complaint regarding sa error sa ticketing buti na lang talaga.

So on with the review. Ang unang tanong, nagustuhan ko ba yung movie?? Yes. Its a true blue rom-com film. There's no surprises in the movie. It follows the usual formula of a romantic comedy film. It never pretended to be anything else so my expectation was met.

How was Aldub in the movie? Lets talk about Alden first. For me hindi siya masyadong nagamit sa film. He was there ofcourse marami syang scene but nagpacute lang talaga siya. Wlang mabibigat na eksena na magpapakita ng kanyang acting prowess. But the camera loves him. Yung mga time na nakafocus sa mukha niya yung camera medyo kinilig ako. Now si maine naman shes a natural. Kita naman sa ks na marunong talaga siya umarte but whats amazing with her is hindi halatang baguhan siya. At ang ganda rin ng chemistry nila ni vic sotto. Mukha talaga silang mag-ama. Matutuwa ang mga fan ni Maine sa movie na ito. She did not disappoint. Maganda ang exposure ng aldub dito as second lead. Yun nga lang nasa menor yung kilig. Kumbaga di nakafull blast. Halatang sinisave nila yung exponential level na kilig sa valentine movie nila perhaps??

But ofcourse even though this is aldubs first movie hindi maikakailang ang bida talaga eh sina Ai-ai de las alas and bossing vic. And deserving naman talaga na sila ang star ng movie. Ai-ai is in her element sa movie na ito. Shes loud at laging beastmode pero di annoying. She plays a matandang dalaga na dahil sa mga kabiguan sa pag-ibig ay nagfocus na lang sa negosyo at pagpapalaki sa pamangkin na si dondi played by alden. And vic sotto is not enteng kabisote in this film. Seryoso siya sa pelikulang ito. Isang biyudong mayaman na over protective sa anak played by maine as anna. First time yata ni bossing na gumanap na mayaman sa isang movie.

Maraming nakakatawang scene sa movie as expected. I love the bickering between vic and AiAi. Hindi pilit yung mga lines nila. Hindi pilit yung patawa except siguro sa mga physical comedy pero konti lang naman yon. Yung dialogue talaga ang nagdala para sa akin. Honestly ayoko kasi yung halatang pinapunchline ako. Gusto ko nakakatawa dahil sa situation mismo at yung dahil sa natural wit nung character. and aiai and vic was able to deliver that for me.

So ano naman ang di ko nagustuhan sa movie?? Siguro yun ay yung parang the movie spread itself too thin. Since its for mmff gusto nitong maging family friendly. So kumbaga it tries to cater to everyone pero pag rom com kasi it has to have a specific target especially sa age bracket. Iba kasi yung level ng kilig at comedy taste ng teens, yung nasa mid 20's to 30's at syempre yung mga nasa middle age. Ang ginawa ng pabebelove eh parang ginusto nilang sakupin lahat. So may mga scene na medyo pang mature na yung joke, may mga scene na pabebe yung romance na di na maappreciate ng mga kaedad ko. pero meron ding medyo naughty na pero di nila mapush ng todo dahil gusto pa rin nilang maging kid friendly. So medyo hilaw at bitin yung ibang scene. Hindi ko rin masyadong type how they resolved the conflict. i felt na medyo minadali sya. But all in all it was an enjoyable movie.

So tapos na ang review. Merry CHRISTMAS to everyone.

Thursday, December 17, 2015

Claiming the spratlys

Tumitingin ako sa aking mga drafts na for some reason eh  hindi ko naipost. And i stumble upon this entry na four years ago ko pa naisulat. So sa wakas maipopost ko na siya.




This dispute over the Spratly islands is been going on for decades. The countries claiming part of the islands are Vietnam. Malaysia, Taiwan, Brunei, China and the Philippines. Back then I really don't know how China even has a claim on the island. I may not be good in geography but I know China is in east Asia and even though the Spratlys lies in South China Sea it doesn't mean China can have a claim over it.

China said they have discovered the island long way before and was a China territory before the first world war even occurred. Of course during the war Japan took over but after the second world war Japan withdrew any claim on the islands. I wont be questioning China's claim over the island only because its useless anyway.


What I'm not liking is the fact that they try to intimidate and bully our country. Its annoying enough that Chinese big fishing vessels keep doing illegal fishing on Philippine territory. Most of the time our small fishermen and coast guard couldn't do anything about it. Tons of Chinese cheap products both in price and quality are being  smuggled here in tons. It probably rivals the amount of products they bought from us. And now they have the gall to tell us what we should do on our territory. Its not like we don't have legit claim over the island. They are the one who makes territorial claim base on the excuse that they discovered the island way before anyone did because there are Chinese pottery found in the island.

We Pinoys are known for being a bit onion skinned. We reacted violently because an actor mentions Pinay order bride and a korean actress mimic our English accent. There are other minor comments made by some hollywood star and shows that causes major stir on the web. I don't even care about those but what China is doing now bothers me. This I feel warrant a long post.

I love Chinese food, I love Jackie Chan but China is insulting our sovereignty. Are they asserting that because they are stronger that they can threaten us with intimidation and now they are saying its all speculation? Its not like we are the only one crying foul over this.

There are calls for boycotting Chinese products but since we are literally flooded with them I even have no idea which products are made from China. So I'm just stating my displeasure over China's power tripping over spratlys claim.

We have a pride as a nation and we have a right to claim what is rightfully ours under the law of the sea treaty. No intimidation or bullying will cause us to falter over our claims.

Tuesday, December 15, 2015

Love teams

Repost from my FB account last August 2015


Dahil love teams naman lagi ang nakikita ko sa aking timeline magstatus uli ako tungkol sa kanila. Ire rate ko sila sa aking broken kilig meter.

Una ang kathniel dahil sila yata ang unang nabuo. Mataas ang kilig meter nila sa akin. Kay daniel padilla qouta ka na tapos dadagdagan mo pa ng kthryn na masarap apihin. So she's the perfect damsel in distress. Eh di relate. Maganda rin ang chemistry nila. khit patayuin mo lang sila at paghawakin ng kamay okay na. YUn nga lang pababa na ang kilig meter nila dahil paulit-ulit na lang ang ginagampanan nilang role. Yung huli nilang movie reversal of role lang ginawa nila pero balik sa dating gawi sa PSY.

Next on the list eh ang jadine. Honestly hirap akong makita yung chemistry nila. Halata na trabaho lang talaga ang ginagawa nila. Pero ang maganda sa kanila ay okay yung mga material na nakukuha nila as a loveteam. May cult followers na yung diary ng panget na una nilang pinagtambalan. This is like yung twilight loveteam. So nadadala ng characters na pinoportray nila yung kilig. At siyempre sinong teen ang di kikiligin kay james reid. Si nadine also has the kathryn vibe dahil magkamukha nga sila.

Third eh ang lizquen. Bias ako dito dahil i love enrique gil. I think he's one of those who's born to be an actor. Malalim ang hugot niya. Bagay sila ni liza dahil pareho silang mukhang sosyal. Gabby and sharon lang ang peg. Puwede ring Aga and janice. May level sila ng sophistication na wala sa ibang loveteam pero puwede pa rin naman silang ideglamorized. So kumbaga yung ayaw matawag na jejemon o jologs pero hindi naman mapigilang kiligin eh puwede sa lizquen.

Siyempre ang huli but not the least eh ang isang buwang aldub. Mataas ang kilig meter nila dahil bukod sa bago palang sila eh instant ang chemistry nila. I think yung strength nila eh Modern sila pero bakya. Benta rin na nakakatawa si yaya dub. Sino ba ang ayaw sa maganda at kalog na babae? Si alden naman is your typical boy next door. kapag pinakilala mo siya sa parents mo eh ihahigh five ka nila at sasabihin kapag pinakawalan mo yan itatakwil ka namin. Mukhang mabait at di gagawa ng kalokohan si alden so perfect na itambal sa isang baguhan sa showbiz.

So ito ang numerical rating ko sa kanila.

 kathniel 7.5/10
Jadine 6/10
Lizquen 9/10
Aldub 9/10

P.S.
Medyo nagbago na ang tingin ko sa lizquen because of recent issues kay enrique. Bawas na sila sa akin ng 1 point. Yung aldub 10/10 na sa akin.

Monday, December 14, 2015

Wala lang and other random thoughts....

Stressful ang nakaraang Linggo. Well actually this whole month of december eh medyo pasaway. Buti na lang at malapit ng matapos ang taon. I would have done a year end recap of my 2015 pero gumana na naman ang katamaran ko so magbibigay na lang ako ng kuro-kuro sa paparating na eleksyon.

The election doesnt excite me at all. Wla akong kandidato na gustong suportahan. Kahit gusto ko pang matawag na (insert politician's name)tard wala eh i dont care for any of them.

I no longer buy the drama. Pakialam ko kung foundling ka Grace Poe. Pakialam ko kung msraming tumatawag sayo ng nognog Binay. At sa maraming alam dyan ipapaalam ko sayong ang haba ng commercial mo. Kaninong bulsa mo nakuha ang pera pambayad sa airtime. Kaloka.

Duterte wla rin akong paki sa pagmumura mo o sa masalimuot mong lovelife. Kay miriam pagaling ka muna bago ka tumakbo. at kay mar fast forward talaga?? Hindi ba puwedeng slowly but surely. Baka masemplang ka na naman.

Sa mga vice presidentiables same opinion wla akong pake.

Gusto ko ngang kantahin ang wake me up when election ends. Pero syempre its our right and responsibility to vote. Daming naghirap para sa botong yan. So yeah though im bored wt this election and not satisfied sa mga listahan ng kakandidato para pagkapresidente i will exercise my right to vote. Malay naman pleasant surprise pla kung sino yung mananalo atleast i could say i participated.

Thursday, December 10, 2015

I'm so Back

Yup nagbabalik na naman ako for the nth at malamang mawala na naman. so wala na akong ipapangako na simula ngayon ay magpapakaactive na uli ako sa pagbablog dahil napapako rin lang. Feeling ko nga myembro na ako ng martilyo gang, construction workers, furniture builder sa dami ng pangako kung napako. But enough of my lame jokes. Sa mga interesado on whats new about me. Wla naman. Ako pa ba eh stick to my routine i dont like major changes ang drama ko sa buhay. Aspie nga di ba. But i have a new obsession. Are you familiar with AlDub?? If not ano pang dahilan na nasa isang social media platform kayo? Aber???


Let me warn you pagdating sa AlDub judgmental ako at unforgiving. Kantiin mo na ako huwag lang sila. O diba aldubnation na aldubnation ang peg. Fantard na fantard.But really im not kidding i am a fan of the phenomenal loveteam of maine mendoza and alden richards. I adore both of them. I watches kalyeserye everyday. If i miss an episode i make sure i catch it later on youtube or fb page of eat bulaga. Kasama ako sa nagpapatrend nung hashtag na lumalabas tuwing 12 midnight ng walang palya. Pumunta ako sa arena nung tamang panahon. Ganun ako kahardcore.

So guys expect that most of my posts will include AlDub. If you're sick and tired of them you can always skip this blog naman i wont mind. i will aldub you just the same.

so yeah to me myself and I welcome back again to the blogging world. Ang nagbabalik dahil sa AlDub.



PS Hindi lang naman magiging puro aldub ang laman ng blog pero di ako nangangako.

Wednesday, June 3, 2015

Shots Fired

Kasabay ng pasukan, init ng panahon at mga remakes sa TV eh ang bangayan ng mga politicians sa ating bansa. At syempre ang pinag-uusapan ngayon eh ang Binay vs Poe. Si Binay open secret naman na tatakbo sa pagkapangulo. Namumutakti na nga ang mga political ads niya sa TV. Si Poe naman ay nililigawan pa ng kung sino-sino. And because she knew shes a prized candidate... is playing coy.

Nagsimula ang rift ng dalawa ng tinanggihan ni Poe ang panliligaw ni Binay para maging running mate nito. At para maging official ang kanyang pagtanggi ay pinirmahan niya yung senate report ng blue ribbon committee na nagrerecommend na kasuhan ng plunder si Binay.

And just like a jilted manliligaw bitter-bitteran si Binay. And the bangayan starts and shots were fired. Nagsurface ang citizenship at residency issue kay Poe. Na sinagot naman ng huli at nagpasaring naman na takot na takot yung kabilang kampo sa kanya.



Ang opinyon ko dito?? WRONG MOVE si BINAY. Una dahil lalaki siya. Well actually yun talaga ang mali niya. Hindi maganda sa isang lalaki ang makipag-argue sa TV at sa babae pa man din. Mukhang narealized naman niya ang kanyang pagkakamali kaya yung anak na niyang si Nancy ang kumakausap na ngayon sa mga reporter. Ang problema wrong move pa rin dahil si nancy unfortunately eh kulang sa public speaking skill. Si Poe is very articulate mabilis mag-isip at mabilis sumagot sa mga tanong. si Nancy well hindi masyado.  

 Is it just me or super intense ang mga kakandidato ngayong eleksyon. May isang taon pa si Pnoy pero atat na ang mga gustong pumalit sa kanya. Oh well iba talaga ang call ng power. Pakapalan na lang ng mukha ito.

Monday, June 1, 2015

Ang pagbabalik

Nung huli akong nagpaalam ang sabi ko sandali lang akong mawawala sa blogging world. Ayun yung sandali inabot ng dalawang taon. Well time is relative naman kasi. Puwedeng hindi  ka magpakita ng isang dekada pero kapag nagbalik ka eh parang kahapon ka lang nawala. Anyways i'm just announcing my return of the come back.

Nakakamiss din namang magbasa ng mga blogs. Nasa blogging world kasi ang mga taong pinakamalilikot ang isip.