Noong una naisip kung gumawa ng bagong blog dedicated para ipaliwanag ng mas personal ang pagiging Aspie at hindi lang maglagay ng mga general characteristics pero ayoko na ng bago pang blog. Hirap na nga akong mag-isip ng bagong ipo-post dito mag-iisip pa ba naman ako ng bagong imementina na blog.
So naisip ko uling magsulat tungkol sa pagiging Aspie ko dahil malapit na naman ang Pasko. Nagtataka siguro kayo kung ano ang kinalaman ng Pasko. Pag christmas kasi maraming tao na gustong magparty at mag reunion. Sa pamilya na lang namin malamang ngayon pinag-uusapan na kung kaninong bahay magsasama-sama para icelebrate ang kapanganakan ni Christ. Yung mga dati kung katrabaho, dating kaklase at mga bagong kakilala nag-oorganize na rin siguro ng mga get together events dahil ito lang naman talaga yung oras na puwede. Infact i received a text message sa isa kung dating kaklase at kaorg na mahigit isang dekada ko nang hindi nakikita. Alam ko na agad kung bakit siya nagtext: Alumni Homecoming.
I admit i dont like social gatherings.I make conscious effort na umiwas na umattend ng mga party or events na require makipag-usap sa maraming tao. But dont get me wrong. I dont hate people. Ganoon lang talaga ako. Im sure marami noon na nagtampo sa akin dahil ilang beses ko nang natanggihan kapag inaaya nila ako sa birthday nila. umaattend naman ako pero once is enough. next year lalo na at sobrang dami ng tao sa birthday mo malamang message na lang sa facebook ang matatangap mo mula sa akin.
Hirap kasi ako makasagap ng social cues. I usually take things literally. Kaya minsan hindi ako makaget ng mga jokes. Ang tagal ko ring pinag-aralan kung paano makasagap ng mga sarcastic comments. Noon kasi hindi na pala seryoso ang tao sa pinagsasabi niya hindi ko pa alam.
Hindi ko rin alam kung nagsisinungaling na pala ang taong kausap ko. kahit sobrang outrageous na yung sinasabi niya minsan naniniwala parin ako. Ang dahilan ko kasi bakit naman magsisinungaling sa akin ang tao kung kineclaim niya na naidate na niya ang napakagandang babae sa kabilang department. Malay ko ba na nag-eexaggerate lang pala yung tao nung sinabi niya na tatlong BMW ang pagmamay-ari ng pamilya niya at nakapaglakbay na siya around the world in 90 days. Malay ko ba na people lie for the shallowest of reasons.
Mabuti na lamang at pulis ang tatay ko at alam ang mga modus operandi ng mga swindler at magnanakaw sa Pilipinas kung hindi matagal na siguro akong nabudol-budol at napyramid scam. Natuto na rin akong magdouble check ng mga information at maghanap ng loophole. But it doesnt comes naturally to me. noong sinabi ng kaklase ko na may sakit siyang malala at feeling niya malapit na siyang mamatay. Awang-awa ako yun pala sipon lang at mas malakas pa siya sa kalabaw. Nag OA lang pala sakay to the max naman ako.
May problema din ako sa mga pagsagot ng mga tanong because i tend to be too honest and straightforward. Sinasabi ko rin kung ano ang nasa isip ko na offending na pala sa ibang tao. Like my mom she asked for my opinion about a certain plan of her and i told her hindi siya maganda that i think its too old fashioned, magastos at corny. Nagalit siya sa akin. I thought she was asking for my honest opinion. Ang gusto pala niya ay affirmation na maganda yung naisip niyang idea and just need a little tweaking. I was honestly trying to be helpful. Hindi ko kasi alam na people ask for someones opinion para makahanap ng taong magsasabing maganda siya gawin mo. Kasi ganoon ako kapag nanghihingi ng opinyon i want the honest answer. Ayoko ng okay lang. Kaya nga minsan nagpaparate pa ako. Noon tanggap ko ang okay lang. Yun pala kapag okay lang hindi pala talaga okay yon. Meron pala sa ibang tao na kapag okay lang ang sagot ibig sabihin hindi maganda kaya lang hindi nila masabi ng tuwiran sayo dahil natatakot silang masaktan ka kaya sinasabi nila na okay lang. Ako kasi when i say okay lang i mean it as okay lang talaga. Wala nang hidden meaning behind the word. Hirap kasi akong magbasa ng body language na yan. Dahil sa mga underlying meaning sa mga salita lalo tuloy akong nahirapan makipagcommunicate sa ibang tao.
Isa din sa mga problema o eh yung flirting na yan. Marami nyan sa party. Madalas nagppacute na pala si boy hindi ko pa alam. Paano naman kasi kasama kasi sa flirting yang small talk na yan.
Small TALK: Ang main reason kung bakit ayoko sa parties.
I don’t get small talk. I don’t get why people asked about the weather samantalang nasa news naman siya. I don’t know why people asked people how they are when truth is they don’t really care. Kumusta na ang aso ng kapitbahay ng lolo ng ninong ng kaaway mo.
But let just say gusto ko naman talagang makipag-usap sayo and ur a nice person ganito pa rin ang mangyayari.
Halimbawa
ikaw: kumusta ka na?
Ako: okay lang. Ikaw kumusta na?
Ikaw: okay lang. tapos konting kuwento
Ako: .ah okay ....................(wala nang maisip na itanong o sabihin).
O kaya ganito
Ikaw: napanood mo ba yung laban ng Houston at Nuggets kahapon.
Ako: Oo at magsasalita na ako ng walang katapusan tungkol sa NBA.
Ikaw: malamang bored na. conversation opener lang pala yungNBA dahil alam mong paborito ko si jeremy Lin. May iba ka pa lang gustong itanong na mas importante.
Ako: nagsasalita pa rin.
Normal sa akin ang dalawang convo sa taas. Lalo na at wala tayong pagkakapareha ng hilig. Malamang panis na laway lang ang mangyayari sa atin.
So sa mga mahilig magparty enjoy lang kayo. Nag-eenjoy din naman ako. Iba lang talaga ang trip ko.
PS: karaniwang Party hindi ako mahilig pero concert especially rock concert love ko yon. Wala lang namention ko lang baka kasi isipin ng iba ayoko sa lahat ng lugar na maraming tao. Ayoko lang sa lugar na kailangan makipag-usap sa maraming tao.