Thursday, July 14, 2016

IMAGINE YOU AND ME MOVIE REVIEW

Time for a movie review guys. At ano pa nga ba ang irereview ko kundi ang Imagine You and Me ng ALDUB.

Before the review proper i would just like to say iba ang level ng anticipation sa movie na ito. Sobrang taas ng expectation ko because lahat ng nanood ng premiere were all raving about the movie. At nung sumugod na nga ako sa sinehan ayun di pa man nagsisimula may tumitili na.

So worth it ba ang tili, anticipation and hype??? SOBRA. Hindi ko lang siya gusto kundi sobrang gusto. Maine was a revelation. Walang maniniwalang baguhan siyang artista and that IYAM is only her second movie. Her comic timing is impeccable. Lahat ng joke nya tinawanan ko. Direk Mike Tuviera was really able to showcased her strength. Minimal lang din yung mga dramatic scenes nya and it was all well executed. What can I say Maine Mendoza is definitely a gem. You will fall in love with Gara sa pelikulang ito.

And then there's Alden Richards. Kung si maine ang comic relief syempre Alden added depth sa story. He played Andrew a typical hero na nababasa at napapanood natin sa mga romance pocketbooks and movies. Good looking, well-off, masungit and is carrying a big chip on his shoulder. And were all a sucker for that. We all just want to ease his pain. Pangitiin siya at pagaanin ang kanyang buhay. At yun talaga naramdaman ko. Parang gusto ko syang laging yakapin. Kumbaga Lahat na ng womanly instinct ko lumabas. So magugulat pa ba tayo kung maiinlove sa kanya si Gara??

The strength of the movie eh hindi lang yung mga main characters. The supporting cast eh lahat magagaling. Sobrang tawang-tawa ako kina cacai bautista at cai cortez. Friendship Goals talaga sila. Magaling din si Jasmine smith. Gusto ko yung atake niya sa role niya, very subdued and controlled. Si Miss Irma eh alam na nating magaling siya.

Maganda rin yung cinematography. Pinakita talaga yung ganda ng lake como. Ang tahimik very pristine. Perfect place to fall in love.

So ano pa ba?? Yung mga napanood nyo sa trailer hindi pa yon ang pinakanakakakilig na eksena sa pelikula. The very famous ALDUB chemistry eh very evident sa pelikulang ito. Magngitian at magtinginan lang sila kinikilig na ako. Parang mga 80s and 90s romcom na sobrang paborito ko. Yung kahit simpleng hawak kamay batuhan ng sweet lines eh winner na. Hindi pilit kumbaga. Natural na natural.

My only issue siguro sa movie eh yung transition ng ibang scene. Pero maliit na bagay lang yon. Overall the movie eh talagang maganda. Highly recommended. Kapag di kayo natawa at kinilig sa pelikulang ito eh bato na kayo.

PS. huwag agad lumabas ng sinehan pagkatapos ng movie. hintayin matapos ang credits.

Wednesday, June 29, 2016

A new MOVIE and a new SONG




As a fan I just couldn't contain my excitement on the upcoming movie of Alden Richards and Maine Mendoza. One year of waiting and finally their first lead role as a love team. The movie based on the trailer promises loads of KILIG, IYAK at TAWA. I'll watch it on its first day and will definitely write a review. I will try my best to be objective.  Pero aminin na natin chemistry pa lang winner na.

And a beautiful movie deserves a beautiful song of the same title. If a movie can inspire Maine Mendoza to write such beautiful lyrics I'm sure this film will be worth our time.

Wednesday, January 13, 2016

Pang-anim na nobela




                     Sa wakas nasundan din yung huli kung gawa. Hope you get a copy.

Monday, January 4, 2016

This Girl Meng

I'm supposed to write a blog entry about alden richards because its his birthday last January 2. Alam mo na fangirling lang ang mode but obviously i changed my mind and decided to blog about Maine Mendoza aka Yaya Dub.

She received a lot of criticisms regarding her behaviour sa eat bulaga na parang hindi daw nakikinig sa message ni tisoy at mas binigyan pa daw ng pansin ang cake. Nagulat ako sa mga criticisms dahil i didnt find anything wrong with Mengs behaviour infact i found it normal by my standard. Kinilig p nga ako because at that very moment nakarelate ako kay meng. I have always find her funny and nice but because shes young, a fashionista, mayaman and an artista kahit sinasabi nya even way before na introvert siya i never really related to her on a more personal level i guess. pero iba nung birthday ni Tisoy. i saw the vulnerable meng for the first time, the introvert she described in her interviews and blog.


Dun sa mga hindi aware sa condition ko i have aspergers which means i have slight autism. Kasama sa pagiging aspie ko ang pagiging introvert.  im not saying na parehas kami ng condition ni meng ha. I dont know her personally but because of my condition sobrang naiintindihan ko ang kanyang behaviour sa eb. In fact i did  worse like literal akong tumakbo palayo because of stage fright nung pinipilit akong magperform sa harap ng mga kamag anak ko. I fell off the stage because i was so nervous i stupidly lean on a stage prop na bumigay sa timbang ko. Nagkalat sa isang song number sa sobrang kaba. Back in highschool Nung lapitan at kausapin ako ng crush ko i literally buried my head sa table so that hindi ko siya matingnan. he find it weird and he thought i was dismissing him. He left and never talked to me again. Bakit nga naman siya makikipag usap sa babaeng tila pinupukpok ang ulo sa table habang nagsasalita siya.

Kaya nga what happened to Meng on EB and her reaction sa message ni tisoy were all painfully familiar. Bata pa siya 20 pa lang. At bilang isang introvert na nakafocus sa kanya ang lahat ng atensyon, the sensory over load was probably too much. First time kumanta, nagbigay ng message na sa malamang hindi scripted, tapos kaharap pa niya si crush. Well buti na lang nandun si Tisoy who seems to understand what shes going through and never felt offended sa mga ginawi ni Meng. Too bad many got offended for tisoy.

but i understand their reactions in a way. Parang reaction lang nung crush ko who found my behaviour a bit offensive. Kaya nga sinulat ko ito hindi para ipagtanggol si meng. But to make people understand na may ibat iba tayong reaksyon sa bawat sitwasyon. We cant box someone sa standard natin kahit artista pa yan. hindi naman kasi natin alam ang totoong pinagdadaanan niya. So please be kind with your words. Aminado naman ako kapg galit matabil din ang dila ko at masakit din akong magsalita. Kahit sa social media my time na nang aaway din ako. but ang saya lang siguro kung pinag iisipan muna natin ng mabuti ang sasabihin dahil natatakot tayong makasakit. Buti na lang si meng eh kebs lang sa basher. Mas affected pa nga yata ako.

So paano ko ba tatapusin ang entry na ito?? Sige babatiin ko na lang si Tisoy ng belated Happy Birthday. nung sinabi niya na kakampi sya ni meng sumaya ako. Kasi ang hirap humanap ng kakampi sa mundo kung saan maraming hindi nakakaintindi sayo. Nakakapanatag ng loob at nakakabawas ng pressure knowing na may sasalo sayo incase mahulog ka o kung di ka man niya masalo eh tutulungan ka niya agad makatayo at pagtatawanan nyo na lang parehas ang nangyari. Now i know why i love this love team so much. At ngayon mas minahal ko pa yata sila lalo, especially Meng.

PS: sa mga di nakakaalam tisoy is alden richards nickname. Tinatamad akong mag edit so yeah sorry sa mga typo kung meron man.

Saturday, December 26, 2015

My Bebe Love Movie Review

Napanood ko na yung My Bebe Love #kiligpamore . Matagal ko ring pinag isipan kung mismong xmas day ako manonood or palalagpasin ko pa ang isang Linggo para makaiwas sa maraming tao. Pero naisip ko whats the point of a movie review kung second week ko pa siya ilalabas. So what i did was pumunta ako ng maaga sa sinehan and caught the first screening. Di rin ako sa sm nanood dahil alam kung doon dadagsa ang tao. And with the complaint regarding sa error sa ticketing buti na lang talaga.

So on with the review. Ang unang tanong, nagustuhan ko ba yung movie?? Yes. Its a true blue rom-com film. There's no surprises in the movie. It follows the usual formula of a romantic comedy film. It never pretended to be anything else so my expectation was met.

How was Aldub in the movie? Lets talk about Alden first. For me hindi siya masyadong nagamit sa film. He was there ofcourse marami syang scene but nagpacute lang talaga siya. Wlang mabibigat na eksena na magpapakita ng kanyang acting prowess. But the camera loves him. Yung mga time na nakafocus sa mukha niya yung camera medyo kinilig ako. Now si maine naman shes a natural. Kita naman sa ks na marunong talaga siya umarte but whats amazing with her is hindi halatang baguhan siya. At ang ganda rin ng chemistry nila ni vic sotto. Mukha talaga silang mag-ama. Matutuwa ang mga fan ni Maine sa movie na ito. She did not disappoint. Maganda ang exposure ng aldub dito as second lead. Yun nga lang nasa menor yung kilig. Kumbaga di nakafull blast. Halatang sinisave nila yung exponential level na kilig sa valentine movie nila perhaps??

But ofcourse even though this is aldubs first movie hindi maikakailang ang bida talaga eh sina Ai-ai de las alas and bossing vic. And deserving naman talaga na sila ang star ng movie. Ai-ai is in her element sa movie na ito. Shes loud at laging beastmode pero di annoying. She plays a matandang dalaga na dahil sa mga kabiguan sa pag-ibig ay nagfocus na lang sa negosyo at pagpapalaki sa pamangkin na si dondi played by alden. And vic sotto is not enteng kabisote in this film. Seryoso siya sa pelikulang ito. Isang biyudong mayaman na over protective sa anak played by maine as anna. First time yata ni bossing na gumanap na mayaman sa isang movie.

Maraming nakakatawang scene sa movie as expected. I love the bickering between vic and AiAi. Hindi pilit yung mga lines nila. Hindi pilit yung patawa except siguro sa mga physical comedy pero konti lang naman yon. Yung dialogue talaga ang nagdala para sa akin. Honestly ayoko kasi yung halatang pinapunchline ako. Gusto ko nakakatawa dahil sa situation mismo at yung dahil sa natural wit nung character. and aiai and vic was able to deliver that for me.

So ano naman ang di ko nagustuhan sa movie?? Siguro yun ay yung parang the movie spread itself too thin. Since its for mmff gusto nitong maging family friendly. So kumbaga it tries to cater to everyone pero pag rom com kasi it has to have a specific target especially sa age bracket. Iba kasi yung level ng kilig at comedy taste ng teens, yung nasa mid 20's to 30's at syempre yung mga nasa middle age. Ang ginawa ng pabebelove eh parang ginusto nilang sakupin lahat. So may mga scene na medyo pang mature na yung joke, may mga scene na pabebe yung romance na di na maappreciate ng mga kaedad ko. pero meron ding medyo naughty na pero di nila mapush ng todo dahil gusto pa rin nilang maging kid friendly. So medyo hilaw at bitin yung ibang scene. Hindi ko rin masyadong type how they resolved the conflict. i felt na medyo minadali sya. But all in all it was an enjoyable movie.

So tapos na ang review. Merry CHRISTMAS to everyone.

Thursday, December 17, 2015

Claiming the spratlys

Tumitingin ako sa aking mga drafts na for some reason eh  hindi ko naipost. And i stumble upon this entry na four years ago ko pa naisulat. So sa wakas maipopost ko na siya.




This dispute over the Spratly islands is been going on for decades. The countries claiming part of the islands are Vietnam. Malaysia, Taiwan, Brunei, China and the Philippines. Back then I really don't know how China even has a claim on the island. I may not be good in geography but I know China is in east Asia and even though the Spratlys lies in South China Sea it doesn't mean China can have a claim over it.

China said they have discovered the island long way before and was a China territory before the first world war even occurred. Of course during the war Japan took over but after the second world war Japan withdrew any claim on the islands. I wont be questioning China's claim over the island only because its useless anyway.


What I'm not liking is the fact that they try to intimidate and bully our country. Its annoying enough that Chinese big fishing vessels keep doing illegal fishing on Philippine territory. Most of the time our small fishermen and coast guard couldn't do anything about it. Tons of Chinese cheap products both in price and quality are being  smuggled here in tons. It probably rivals the amount of products they bought from us. And now they have the gall to tell us what we should do on our territory. Its not like we don't have legit claim over the island. They are the one who makes territorial claim base on the excuse that they discovered the island way before anyone did because there are Chinese pottery found in the island.

We Pinoys are known for being a bit onion skinned. We reacted violently because an actor mentions Pinay order bride and a korean actress mimic our English accent. There are other minor comments made by some hollywood star and shows that causes major stir on the web. I don't even care about those but what China is doing now bothers me. This I feel warrant a long post.

I love Chinese food, I love Jackie Chan but China is insulting our sovereignty. Are they asserting that because they are stronger that they can threaten us with intimidation and now they are saying its all speculation? Its not like we are the only one crying foul over this.

There are calls for boycotting Chinese products but since we are literally flooded with them I even have no idea which products are made from China. So I'm just stating my displeasure over China's power tripping over spratlys claim.

We have a pride as a nation and we have a right to claim what is rightfully ours under the law of the sea treaty. No intimidation or bullying will cause us to falter over our claims.

Tuesday, December 15, 2015

Love teams

Repost from my FB account last August 2015


Dahil love teams naman lagi ang nakikita ko sa aking timeline magstatus uli ako tungkol sa kanila. Ire rate ko sila sa aking broken kilig meter.

Una ang kathniel dahil sila yata ang unang nabuo. Mataas ang kilig meter nila sa akin. Kay daniel padilla qouta ka na tapos dadagdagan mo pa ng kthryn na masarap apihin. So she's the perfect damsel in distress. Eh di relate. Maganda rin ang chemistry nila. khit patayuin mo lang sila at paghawakin ng kamay okay na. YUn nga lang pababa na ang kilig meter nila dahil paulit-ulit na lang ang ginagampanan nilang role. Yung huli nilang movie reversal of role lang ginawa nila pero balik sa dating gawi sa PSY.

Next on the list eh ang jadine. Honestly hirap akong makita yung chemistry nila. Halata na trabaho lang talaga ang ginagawa nila. Pero ang maganda sa kanila ay okay yung mga material na nakukuha nila as a loveteam. May cult followers na yung diary ng panget na una nilang pinagtambalan. This is like yung twilight loveteam. So nadadala ng characters na pinoportray nila yung kilig. At siyempre sinong teen ang di kikiligin kay james reid. Si nadine also has the kathryn vibe dahil magkamukha nga sila.

Third eh ang lizquen. Bias ako dito dahil i love enrique gil. I think he's one of those who's born to be an actor. Malalim ang hugot niya. Bagay sila ni liza dahil pareho silang mukhang sosyal. Gabby and sharon lang ang peg. Puwede ring Aga and janice. May level sila ng sophistication na wala sa ibang loveteam pero puwede pa rin naman silang ideglamorized. So kumbaga yung ayaw matawag na jejemon o jologs pero hindi naman mapigilang kiligin eh puwede sa lizquen.

Siyempre ang huli but not the least eh ang isang buwang aldub. Mataas ang kilig meter nila dahil bukod sa bago palang sila eh instant ang chemistry nila. I think yung strength nila eh Modern sila pero bakya. Benta rin na nakakatawa si yaya dub. Sino ba ang ayaw sa maganda at kalog na babae? Si alden naman is your typical boy next door. kapag pinakilala mo siya sa parents mo eh ihahigh five ka nila at sasabihin kapag pinakawalan mo yan itatakwil ka namin. Mukhang mabait at di gagawa ng kalokohan si alden so perfect na itambal sa isang baguhan sa showbiz.

So ito ang numerical rating ko sa kanila.

 kathniel 7.5/10
Jadine 6/10
Lizquen 9/10
Aldub 9/10

P.S.
Medyo nagbago na ang tingin ko sa lizquen because of recent issues kay enrique. Bawas na sila sa akin ng 1 point. Yung aldub 10/10 na sa akin.